Image and video hosting by TinyPic

Pinoy Big Brother: Double Up Official Housemates


Princess Manzon, ang pretty lady na nag-audition sa Japan. Hindi man niya alam ang mga mangyayari sa loob ng bahay ni Kuya, iniaalay naman niya ang kanyang pagiging housemate sa kanyang ina.



Tom Mott, ang Romantic Stud ng Samar, upang maging housemate ni Kuya. Kahit galing San Francisco ay true blue waray ang gwapong hunk na ito. Kaka 22 years old lang niya noong October 1.



Delio Dimaculangan, ang kusinero mula sa Batangas. Halata dahil meron siyang malakas na Batangueno accent. Handa na niyang ibahagi ang secret ingredients na bumubuo sa kanyang mahirap, malungkot, pero makahulugang buhay. Iiwan muna niya pansamantala ang kan



Paul Jake, ang negosyo prince ng Cebu. Lumaking matiwasay ang buhay dahil sa business ng kanyang pamilya. Pero kahit sinong klaseng tao ay kaya niyang pakisamahan. Maging okay kaya ang relasyon niya sa ibang housemates?



Jason Francisco, ang alyas Sapak ng Mindoro. Sa kalye ay walang labang inurungan. Ala Robin Padilla kung magsalita at umasta. Pero sa loob ay isang mapagmahal na anak at apo. Uubra kaya ang kanyang pagiging astig kay Kuya?




Melisa - Ang kenkay mula sa GenSan, mukhang tatawanan lang ang mga hirap na kanyang pagdadaanan bilang isang housemate. Naguumapaw ngayon sa energy itong si Melisa. Mapatawa kaya niya ang ibang housemates?



Yuri Ozaka bihasa sa limang language. Mula sa Japan ay nagbabalik ang hot babe na ito upang maging housemate ni Kuya. Ang dating party girl na si Yuri ay handa nang harapin ang mga hamon ni Big Brother.


Carol, mula sa traditional Fil-Chinese at Born Again Christian family. Siya ang conservative pharmacist ng Tondo. Takot makihalibilo sa mga wild at adventurous na tao. Paano kaya niya pakikisamahan ang ibang housemates?


Mariel. Sa sobrang pagpa-party ay hindi nakatapos ng pag-aaral at nabuntis sa murang edad. Ngayong may anak na ay desidido na siyang mamuhay nang maayos. Tuwang tuwa ang PBB host na si Mariel na salubungin ang kanyang kapangalan. Iniaalay naman ni Mariel sa kanyang anak ang kanyang pagpasok sa bahay ni Kuya.


Yhel, naging ina sa edad na katorse at nabiyuda sa edad bente. Dahil hindi nakatapos ng pag-aaral ay struggling upang palakihin ang anak niyang special child. Gusto niyang maging inspirasyon sa lahat ng tao kung paano maging strong pagdating sa buhay.


Toffi, ang basketbolero mula sa Rizal. PangaraoTinaguriang chickboy, pero sabi niya ay nagbago na siya ngayon Ang kanilang tahanan sa Marcos Hi-way ay muntik nang abutin ng baha last week. Pero dahil okay na


Kenny, ang twin brother na si Kenny. Di tulad ng kanyang kapatid, si Kenny ay aminadong torpe. Pero ang kanyang pagiging joker ang ginagamit niyang panghatak ng mga chicks.


JP at JM. Si JP ay isang flight attendant at sunday school teacher. Si JM naman ay isang IT specialist. Pareho na silang may kanya kanyang pamilya. Pero iiwan muna nila ang kanilang daddy responsibilities upang maging housemates ni Kuya. Double din kaya sa hirap ang task na ibibigay sa kanila ni Big Brother?
0 Responses