Image and video hosting by TinyPic
Showing posts with label Housemate. Show all posts
Showing posts with label Housemate. Show all posts

Pinoy Big Brother: Double Up Official Housemates 2nd Batch

Si Johan, ang cute server. Hard working student, bread winner ng pamilya. Gwapo kaya madalas makatanggap ng indecent proposal. Pero para sa kanya, walang presyo ang kanyang dangal.

Si Cathy, ang charming babe ng Bohol. Nursing graduate. Nag-birthday siya noong October 8 pero that time, itinago na siya ni Kuya sa isang sikretong lugar.

Si Steve, aka Tibo. Lumipat sa Maynila para takasan ang panganib. Lumaking matatag at naging champion target shooter. Maasinta kaya niya ang ugali ng ibang housemates?

Si Hermes, purong Pinoy pero ipinanganak sa US. Pero dahil hindi makasabay sa US lifestyle ay nag-rebelde at nagpa-long hair. Uubra kaya siya kay Kuya?

Ang med rep na si Patria. Probinsyanang sobrang ma-chika. Suki ng kahit anong contest. Isang NBSB, hard working para makatulong sa pamilya. Siya na kaya ang magiging BFF ni Melisa?

Si Jimson ay galing sa may kayang pamilya. Na in love nang husto kay Kathleen, isang Pinay na lumaki sa Spain. Habang magkahiwalay ay natukso si Jimson na magloko. Nagpatawad man si Kathleen ay hirap na siyang magtiwala kay Jim.

Si Rod, half-Pinoy half Austrian. Ipinanganak at lumaki sa Austria. Fluent pa rin sa Tagalog. Lapitin ng babae anumang lahi. Pero dahil sa maraming heartbreak ay ayaw munang mag seryoso. Isang musikero. Pumasok sa military at natuto ng disiplina.

Si Patrick, ang charming banker. Nag-aral sa Baguio at doon nakilala ang kanyang 'soulmate' na naging asawa at ina ng kanyang mga anak. Minsan nang natukso at muntik nang masira ang family.

Si Rica, ang math goddess. Isang transgender kaya dumaranas ng diskriminasyon. Ngunit patuloy na lumalaban upang patunayan ang kanyang galing. Mahanap kaya niya ang puwang sa loob ng bahay ni Kuya?

JP & JM the Jet Setter and the Delightful Dad of Quezon City


JP at JM. Si JP ay isang flight attendant at sunday school teacher. Si JM naman ay isang IT specialist. Pareho na silang may kanya kanyang pamilya. Pero iiwan muna nila ang kanilang daddy responsibilities upang maging housemates ni Kuya. Double din kaya sa hirap ang task na ibibigay sa kanila ni Big Brother?

Kenny the Joker Jock of Rizal

Kenny, ang twin brother ni Toffi. Di tulad ng kanyang kapatid, si Kenny ay aminadong torpe. Pero ang kanyang pagiging joker ang ginagamit niyang panghatak ng mga chicks.

Yhel the Young Widow of Pampanga


Yhel, naging ina sa edad na katorse at nabiyuda sa edad bente. Dahil hindi nakatapos ng pag-aaral ay struggling upang palakihin ang anak niyang special child. Gusto niyang maging inspirasyon sa lahat ng tao kung paano maging strong pagdating sa buhay.

Mariel the Struggling Mom of Davao


Mariel. Sa sobrang pagpa-party ay hindi nakatapos ng pag-aaral at nabuntis sa murang edad. Ngayong may anak na ay desidido na siyang mamuhay nang maayos. Tuwang tuwa ang PBB host na si Mariel na salubungin ang kanyang kapangalan. Iniaalay naman ni Mariel sa kanyang anak ang kanyang pagpasok sa bahay ni Kuya.

Carol Batay the Conservative Pharmacist of Tondo


Carol, mula sa traditional Fil-Chinese at Born Again Christian family. Siya ang conservative pharmacist ng Tondo. Takot makihalibilo sa mga wild at adventurous na tao. Paano kaya niya pakikisamahan ang ibang housemates?

Yuri the Multilingual Hottie of Japan


Yuri Ozaka bihasa sa limang language. Mula sa Japan ay nagbabalik ang hot babe na ito upang maging housemate ni Kuya. Ang dating party girl na si Yuri ay handa nang harapin ang mga hamon ni Big Brother.

Melisa the Inday Kengkay of GenSan


Melisa - Ang kenkay mula sa GenSan, mukhang tatawanan lang ang mga hirap na kanyang pagdadaanan bilang isang housemate. Naguumapaw ngayon sa energy itong si Melisa. Mapatawa kaya niya ang ibang housemates?

Jason Francisco the Boy Astig of Mindoro


Jason Francisco, ang alyas Sapak ng Mindoro. Sa kalye ay walang labang inurungan. Ala Robin Padilla kung magsalita at umasta. Pero sa loob ay isang mapagmahal na anak at apo. Uubra kaya ang kanyang pagiging astig kay Kuya?

Paul Jake the Negosyo Prince of Cebu


Paul Jake, ang negosyo prince ng Cebu. Lumaking matiwasay ang buhay dahil sa business ng kanyang pamilya. Pero kahit sinong klaseng tao ay kaya niyang pakisamahan. Maging okay kaya ang relasyon niya sa ibang housemates?

Delio Dimaculangan the Simpatikong Kusinero of Batangas


Delio Dimaculangan, ang kusinero mula sa Batangas. Halata dahil meron siyang malakas na Batangueno accent. Handa na niyang ibahagi ang secret ingredients na bumubuo sa kanyang mahirap, malungkot, pero makahulugang buhay. Iiwan muna niya pansamantala ang kanyang anak at asawa upang harapin ang mga hamon bilang housemate.

Tom Mott the Romantic Stud of Samar


Tom Mott, ang Romantic Stud ng Samar, upang maging housemate ni Kuya. Kahit galing San Francisco ay true blue waray ang gwapong hunk na ito. Kaka 22 years old lang niya noong October 1.

Princess Lieza Manzon the Sassy Vamp of Cebu


Princess Manzon, ang pretty lady na nag-audition sa Japan. Hindi man niya alam ang mga mangyayari sa loob ng bahay ni Kuya, iniaalay naman niya ang kanyang pagiging housemate sa kanyang ina.