Image and video hosting by TinyPic
Showing posts with label PINOY BIG BROTHER DOUBLE UP HOUSEMATES. Show all posts
Showing posts with label PINOY BIG BROTHER DOUBLE UP HOUSEMATES. Show all posts

Pinoy Big Brother: Double Up Official Housemates 2nd Batch

Si Johan, ang cute server. Hard working student, bread winner ng pamilya. Gwapo kaya madalas makatanggap ng indecent proposal. Pero para sa kanya, walang presyo ang kanyang dangal.

Si Cathy, ang charming babe ng Bohol. Nursing graduate. Nag-birthday siya noong October 8 pero that time, itinago na siya ni Kuya sa isang sikretong lugar.

Si Steve, aka Tibo. Lumipat sa Maynila para takasan ang panganib. Lumaking matatag at naging champion target shooter. Maasinta kaya niya ang ugali ng ibang housemates?

Si Hermes, purong Pinoy pero ipinanganak sa US. Pero dahil hindi makasabay sa US lifestyle ay nag-rebelde at nagpa-long hair. Uubra kaya siya kay Kuya?

Ang med rep na si Patria. Probinsyanang sobrang ma-chika. Suki ng kahit anong contest. Isang NBSB, hard working para makatulong sa pamilya. Siya na kaya ang magiging BFF ni Melisa?

Si Jimson ay galing sa may kayang pamilya. Na in love nang husto kay Kathleen, isang Pinay na lumaki sa Spain. Habang magkahiwalay ay natukso si Jimson na magloko. Nagpatawad man si Kathleen ay hirap na siyang magtiwala kay Jim.

Si Rod, half-Pinoy half Austrian. Ipinanganak at lumaki sa Austria. Fluent pa rin sa Tagalog. Lapitin ng babae anumang lahi. Pero dahil sa maraming heartbreak ay ayaw munang mag seryoso. Isang musikero. Pumasok sa military at natuto ng disiplina.

Si Patrick, ang charming banker. Nag-aral sa Baguio at doon nakilala ang kanyang 'soulmate' na naging asawa at ina ng kanyang mga anak. Minsan nang natukso at muntik nang masira ang family.

Si Rica, ang math goddess. Isang transgender kaya dumaranas ng diskriminasyon. Ngunit patuloy na lumalaban upang patunayan ang kanyang galing. Mahanap kaya niya ang puwang sa loob ng bahay ni Kuya?

May pag-asa pa rin ang mga kabataang nais maging housemate ni Kuya...


May pag-asa pa rin ang mga kabataang nais maging housemate ni Kuya o kaya’y nangangarap maging singers dahil may karagdagang auditions ang "PBB Teen Edition" at "Pinoy Dream Academy" sa Amerika at Japan.

Magpa-rehistro sa US auditions sa "One Kapamilya Go Fiesta" sa California’s Great America, Santa Clara, California sa Setyembre 20 mula 10am hanggang 2pm.

Sa Japan naman, may auditions din sa Forum Bldg, 2nd Floor, Imperial Roppongi Roppongi, Tokyo sa Setyembre 13 mula 9am. Para sa karagdagang detalye, tumawag lang sa 1877-88-GO-TFC para sa US auditions at 0120-TFC-VOD para sa Japan auditions.

Ano ang ibig sabihin ng DOUBLE UP? Abangan ang sagot sa pagbubukas ng pinaka-sikat na bahay sa Pilipinas kasama sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Mariel Rodriguez ngayong October 4 para sa "Pinoy Big Brother 3 Double Up" sa ABS-CBN.

Short list ng Top 50 housemates ni Big Brother





Malapit nang magbukas ulit ang pintuan ng bahay ni Kuya. Mula sa record breaking auditionees na 57,824, fifty hopefuls na ang pinagpipilian ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Double Up. Ang official number of housemates ay dedepende sa results ng susunod pang proseso sa casting.

Ito ang ilang clues sa Top 50 ni Kuya:

Manila - 11 possible housemates

Pampanga/Tarlac - 6 possible housemates

Baguio - 4 possible housemates

Cebu/Bohol/Roxas - 8 possible housemates

Butuan/Davao/ Gen. Santos - 10 possible housemates

Batangas/Cam Sur - 6 possible housemates

Europe - 5 possible housemates

Hindi dapat makampante ang mga naturang potential housemates dahil sa kanilang pagdaan sa proseso at pagkonti ay mas magiging mahirap ang tests ni Kuya.

So sa tingin mo kasama ka na ba sa Top 50?

source:pinoybigbrother.mul tiply.com